By: PINAYMAKATA
Pinagiisipan ko kung magpapatuloy pa
Dahil sa bawat hakbang aking nadarama
Mabigat, nahihirapang iangat
Parang may pumipigil na huwag na dapat
Di ko maiwasang maging emosyonal
Ang bibitawan ay sakin di‘y napamahal
Buong oras inilaan
Magampanan lang ang katungkulan
Sa ngayon, napagwawari ko na
Mga bagay na noon pa ay dapat ginawa ko na
Magiging mahirap sa umpisa
Pero alam ko sa huli ay magiging maligaya
#pinaymakata


Akda ni : Rolando “Rolly” Soliven
… Isang paggunita sa napapanahong mga nagaganap na High School Reunions…
... Bigla ang pagtunog ng cellphone at isang mensahe mula kay Ipe, "Pawe ano ba ang susuutin natin, kailangan bang nakapangwakas tayo?"... Ano nga ba? Makalipas ang dalawampung taon, babalik kami sa aming paaralan ng high school, at hindi ko inaasahan ang katanungan. "Kahit ano siguro pare, basta ako isusuot ko 'tong bagong bili kong Vans na toga ko. Ito yong hindi ko nasuot noong fourth year tayo." Hindi na sumagot si Ipe, hindi ko na nasabi ang mas malalim na dahilan.
... "Tama na po Tay!" Itinaas na muli ni Tatay ang sinturon , at kahit ayokong sumuko, batid ko na masasaktan lang akong lalo kung hindi ako magsasalita. E ano ba kung paluin niya ko, basta ba bilihan niya ako ng bagong Vans na sapatos. Bakit yung mga kabarkada at kaklase ko meron. "Kabibili lang natin ng sapatos mo Iyeng, mahina na ang negosyo. Kailangan natin ng pera para sa mas mahahalagang bagay." Mahina ang boses ni Tatay... "Oo nga Tay, pero mas gusto ko yung ganong sapatos." Tumalikod na siya... "Ayokong magtrabaho kasama nyo!" pasigaw kong sabi. Lumapit si Nanay, kinausap nya ako. "Hindi, ayoko nga talaga, e ayoko na na ngang mag-aral." bulong ko sa sarili ko. Padabog akong umalis. "Lalaboy na lang ako!"
Read more: Si Tatay, Ang Sapatos, At ang Sinturon... Pagkalipas ng Tatlumpong Taon