MENU

By: Pat Amante

Hindi kayo para sa isa’t isa.

Kaya wag kang maniwalang

Mamahalin ka niyang talaga.

Pampalipas oras ka lang niya.

Hindi totoo na

Ikaw lang talaga

Dahil para sa kanya,

Marami pang iba.

Hindi rin totoo na

Liligawan ka niya,

Dahil sa huli,

Sasaktan ka niya.

At wag mong isiping

Ipaglalaban ka niya,

Mamahalin ka niya hanggang dulo,

Dahil hindi!

Papakawalan ka niyang basta.

Kaya wag mong isipin

Na magtatagal kayo

Dahil pinapangako niya.

Hindi ka magiging masaya.

Wag kang maniwalang

Nahanap mo na siya.

Reverse Poetry